10 araw na Multilateral Maritime Exercise, isasagawa sa Palawan kasabay ng Balikatan Exercise

Isasagawa sa Palawan ang 10 araw na Multilateral Maritime Exercise (MME) sa pagitan ng Philippines, United States at French Navies bilang bahagi ng Balikatan exercise 2024.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Public Affairs Office Chief, Col. Xerxes Trinidad, magsisimula ang MME sa April 25 at magtatagal hanggang May 4.

Kabilang sa mga barkong lalahok sa panig ng Pilipinas ang BRP Davao del Sur o ang LD 602 at BRP Ramon Alcaraz o ang PS 16.


Ipadadala naman ng US ang kanilang USS Harpers Ferry habang sa panig ng France ay ang kanilang French Frigate Vendémiaire.

Samantala, ngayong alas-10:00 ng umaga opisyal na magsisimula ang Balikatan exercise 2024 kung saan panauhing pandangal si US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson at AFP Chief of staff Gen. Romeo Brawner Jr.

Facebook Comments