10 araw na pagluluksa sa buong bansa, idineklara para kay dating Pangulong Aquino

Idineklara ng pamahalaan ang 10-araw na national mourning o pambansang pagluluksa kasunod ng kamatayan ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III.

Nabatid na namatay sa edad 61 ang dating pangulo kahapon dahil sa renal disease secondary to diabletes.

Sa statement ng Malacañang, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 1169, na nagdedeklara mula June 24, 2021 hanggang July 3, 2021, bilang Period of National Mourning.


Ang lahat ng watawat ng Pilipinas sa lahat ng ahensya at tanggapan ng gobyerno ay naka-half-mast mula bukangliwayway hanggang takipsilim sa loob ng 10 araw.

Umapela rin ang Palasyo sa lahat na ipinalangin ang dating Pangulo.

Facebook Comments