10 bansa sa mundo, nakorner ang mayorya ng supply ng COVID-19 vaccines ayon kay Pangulong Duterte

Kailangang maghintay ng Pilipinas para sa supply ng COVID-19 vaccines.

Sa Talk to the Nation Address, ipinaliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang 75% ng vaccine doses ay nagamit lamang ng nasa 10 bansa.

Ang nasa 130 bansa kabilang ang Pilipinas ay walang magagawa kundi maghintay ng supply.


Kaya habang hinihintay ang bakuna, hinimok ni Pangulong Duterte ang publiko na sundin pa rin ang minimum health standards tulad ng pagsusuot ng face masks.

Bago ito, sinabi ni United Nations Secretary Antonio Guterres na hindi patas na nasa 10 bansa lamang ang may kontrol ng mayorya ng vaccine supply.

Sa ngayon, hinihintay ng Pilipinas na dumating ang 161 million doses ng COVID-19 vaccines ngayong taon.

Magugunitang naantala ang pagdating ng mga bakuna dahil sa mga isyu sa indeminity at regulatory requirements, maging ang mga hamon sa supply nito.

Facebook Comments