Cauayan City, Isabela-Umabot na sa above 60% ang bilang ng vaccine rollout sa sampung (10) bayan sa lalawigan ng Cagayan batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Provincial Health Office
Sa ulat ng Cagayan Provincial Information Office, nangunguna sa may mataas na bilang ang mga bayan ng Lal-lo na nasa 91 percent, Sanchez Mira-91 %, Sta. Praxedes-79%, Rizal-79%, Tuguegarao City-73%, Abulug-67%, Ballesteros-66%, Gonzaga-65%, Tuao-63% at Allacapan-60%.
Habang ang mga bayan ng Sta. Teresita, Piat, Gattaran, Buguey, Baggao, Camalaniugan, Sta. Ana at Amulung ay nasa 50-58% sa vaccine rollout.
Bukod dito, ang bayan naman ng Iguig ay 49%, Lasam-49%, Pamplona-48%, Solana-47%, Alcala-47%, Aparri-44%, Calayan-44%, Claveria-43%, Sto. Nino-40% at Peñablanca-35%.
Inihayag naman ni Provincial Health Officer Dr. Carlos Cortina na malaking tulong ang pagtanggap ng walk-in sa 12 district hospitals gayundin ay plano na isama sa vaccination site ang Sub-Capitol sa Bangag at Lal-lo.
Target umano na mabakunahan ang 1,400 na indibidwal kada araw dahil sa target na 19,000 sa lalawigan.
Kinumpirma rin ng PHO na may herd immunity na sa mga lugar na may mataas na porsyento ng mga nabakunahan.