Manila, Philippines – Nilinaw ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na hindi pa siya tiak kung 10 bilyong piso nga ang kakailanganing pondo para sa rehabilitasyon ng MArawi City.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, kailangan pang dumaan sa assessment ang lungsod sa oras na ito ay maideklarang ligtas ng Armed Forces of the Philippines o AFP.
Kapag aniya nakapagsagawa na ang pamahalaan ng Assessment ay ilalatag na ang rehabilitation plan upang matiyak kung magkano talaga ang kakailanganing pondo ng pamahalaan para sa muling pagbangon ng Marawi City.
Hindi naman masabi ni Jalad kung saan huhugutin ang kakailanganing pondo pero meron naman aniya pang pondo ang NDRRMC.
Facebook Comments