
Kinumpirma ni Energy Regulatory Commission Chairperson Monalisa Dimalanta na epektibo na sa August bill ng kuryente sa buong bansa ang dagdag-singil sa transmission charge na P0.10 kada kilowatt hour
Ito ay kasunod ng pagsisimula ng recovery ng National Grid Corporation of the Philippines ng mahigit P28 billion
Sinabi ni Dimalanta na ito ay kokolektahin sa consumers sa loob ng pitong taon.
Samantala, una nang inanunsyo ng Department of Energy ang posibleng pagbaba sa overall na singil sa kuryente sa billing ngayong July.
Ito ay matapos na bumaba ang overall na presyuhan ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market
Facebook Comments









