10 Chinese Nationals at 2 Pilipino Crew, Nakaligtas sa Tumaob na Motor Bangka sa Karagatan ng Sta. Ana Cagayan!

Sta. Ana, Cagayan – Ligtas na sa ngayon ang sampung chinese nationals at dalawang pilipino crew matapos tumaob ang kanilang sinasakyang motor bangka sa karagatang sakop ng Sta. Ana Cagayan kamakailan.

Sa pakikipag-ugnayan ng RMN Cauayan kay Police Officer 2 Rey Recolisado, imbestigador ng Sta. Ana Police Station, sinabi niya na hinampas umano ng malalaking alon ang motor bangka na sinakyan ng mga biktima kaya’t tumaob ito habang tutungo sana sa Gota Beach ng nasabing bayan.

Aniya, iniligtas umano ng ilang mangingisda sa karagatan ang mga biktima at dinala sa tabing dagat para malapatan ng paunang lunas ang mga nagtamo ng minor injuries dahil sa nasabing pangyayari.


Sinabi pa ni PO2 Recolisado na nagsadya naman sa kanilang himpilan ang crew ng motor bangka upang ipaalam ang nangyari at itinawag din umano ito sa coast guard ng Sta. Ana Cagayan na nagsagawa kaagad ng search and rescue operation.

Dinala parin sa pinakamalapit na pagamutan ang mga chinese nationals para magamot umano ang mga tinamong sugat kung saan sa ngayon ay nakabalik na sa kanilang trabaho sa Sun City Casino sa Sta. Cagayan.

Facebook Comments