Halos 10 convicts na ang sumuko sa mga awtoridad.
Ito’y kasunod ng panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumuko ang halos 2,000 presong nakalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.
Ayon kay justice Sec. Menardo Guevarra, hindi na niya babanggitin kung sinu-sino ang mga ito.
May ilang convict ang sumuko sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at sa Bureau of Corrections.
Nag-isyu na rin sila ng Immigration Lookout Bulletin Order (LBO) laban sa 1,914 convicts upang matiyak na hindi sila makakaalis ng bansa habang gumugulong ang imbestigasyon sa kanilang kaso.
Facebook Comments