Sampung COVID-19 hotspots sa Visayas at Mindanao ang natukoy ng mga eksperto.
Ayon sa University of the Philippines (UP)-OCTA Research Team, patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa:
Negros occidental
Iloilo
Leyte
Capiz
Lanao del norte
Lanao del sur
Agusan del norte
Misamis oriental
South cotabato
Oriental mindoro sa MIMAROPA Region
Una rito, sinabi ng UP-OCTA Research Team na bumaba na ang transmission ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) at CALABARZON.
Pero paalala ni Professor Guido David sa publiko, huwag masyadong ma-excite dahil posibleng pa ring magkaroon ng panibagong surge sa COVID-19 cases.
Facebook Comments