10 dash line claim ng China, tinawag na biro at katatawanan ng AFP

Muling iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang basehan ang 10 dash line claim ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, maituturing na biro at katawa-tawa ang naturang claim ng China.

Ani Trinidad, bunga ang 10 dash line claim ng China ng malawak nilang imahinasyon.


Ayon pa kay Trinidad, tina-target ng China ang Chinese Communist Party, ilang mga Filipino at international audience.

Una nang tinawag na “biggest fiction and lie” ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. ang 10 dash line claim ng China.

Wala rin aniyang bansa sa ASEAN ang kumikilala sa naturang pag-angkin ng China.

Facebook Comments