10 dash line na inilabas ng China sa WPS, kinondena ng DOJ

Kinondena ng Department of Justice (DOJ) ang inilabas ng China na 10 dash line sa West Philippine Sea na umaangkin ng kanilang teritoryo.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, iligal at walang basehan ang bagong dokumento ng China dahil hindi naman ito ang tunay na mapa.

Bukod sa diplomatic protest, maaari na rin daw kwestyunin sa United Nation Convention of the Law of the Sea (UNCLOS) ang ginawang ito ng China.


Sa nasabing dash line, mas pinalawig pa ng China ang pang-aangkin nila sa West Philippine Sea bagay na pinalagan ng mga karatig bansa tulad ng Pilipinas.

Naghain na ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China matapos ilabas ang 10 dash line na nagpapalawak sa kanilang teritoryo.

Facebook Comments