10-day facility based at 4-day home quarantine, ipapatupad pa rin sa arriving passengers sa bansa – DOH

Mananatili ang pagpapatupad ng 10 araw na facility quarantine at 4 na araw na home quarantine para sa mga biyaherong papasok ng Pilipinas.

Ito ay matapos manawagan ang ilang senador na alisin na ang mandatory quarantine para sa mga biyaherong papasok ng bansa na “fully vaccinated” na.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangang higpitan ang border control ng bansa para mapigilan ang pagkalat ng mga bagong variant ng COVID-19.


Kaugnay nito, sinabi ni Vergeire na magtutungo ang mga opisyal ng DOH sa Cebu para makipag-usap sa kanilang Local Government Unit (LGU) kaugnay ng kanilang sariling quatantine protocols.

Batay sa patakaran ng Cebu LGU, agad isinasailalim sa COVID-19 test ang mga biyaherong dumarating doon at istriktong quarantine at muling sasailalim sa swab test sa ikapitong araw.

Facebook Comments