10 day notice para mabisita si Sen. De Lima, pinalagan ng minority senators

Manila, Philippines – Hindi makatwiran para sa Senate Minority Bloc ang biglaang pagpapatupad ng Philippine National Police o PNP ng 10-day notice para mabisita ang nakapiit nilang kasamahan na si Senator Leila De Lima.

Kaugnay nito, sa pamamagitan ng isang liham ay hiniling ng minority senators kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na ipabawi sa PNP ang nabanggit na bagong patakaran.

Ang liham ay pirmado nina Senators Kiko Pangilinan, Franklin Drilon, Risa Hontiveros, Antonio Trillanes IV, at Bam Aquino.


Umaasa sila na paninindigan ni Senator Pimentel ang naging pahayag nito ukol sa pagiging independent ng Senado kasama ang pagtiyak sa mga karapatan ng mga kasamahan nyang Senador.

Bago ito ay nagpadala din ng liham kay PNP Chief General Ronald Dela Rosa si Senator Pangilinan na sya ring tumatayong pangulo ng Liberal Party o LP.

Hiling ni Pangilinan kay General dela Rosa, linawin o bawiin na lang ang nasabing patakaran dahil hindi naman ito kailangan noon para mabisita ng mga Senador si Senator De Lima.

Facebook Comments