10-day paid leave para sa mga empleyadong tinamaan ng COVID-19, isinusulong sa Senado

Itinutulak ngayon sa Senado ni Senator Leila de Lima ang panukalang magbibigay ng paid pandemic leave para sa COVID-positive workers.

Layon nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga manggagawa na magpagaling at sumailalim sa mandatory isolation nang hindi inaalala ang mawawalang kita sa kanila.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 2148, ang 10-day COVID-19 leave kada taon ay para sa lahat ng kwalipikadong empleyado mula sa pampubliko at pribadong sektor.


Kapag naisabatas, ang pandemic leave ay magiging karagdagan sa kasalukuyang paid sick days at iba pang benepisyo na mayroon ang mga empleyado.

Minamandato ng panukala ang Social Security System at ang Government Service Insurance System na mag-reimburse sa mga employer para sa paid days off.

Ang mga employer naman na tatangging magbigay ng pandemic leave ay pagmumultahin ng hindi bababa sa P20,000 pero hindi rin lalampas sa P200,000.

Una nang naghain ng kaparehong panukala sa Kamara noong October 2020.

Facebook Comments