10-day quarantine para sa arriving international travelers, dapat gawin ng pamahalaan

Inirekomenda ng isang eksperto sa pamahalaan na ipatupad ang 10-araw na hotel quarantine sa mga international traveler na darating sa Metro Manila at Cebu.

Ayon kay Molecular Biologist Father Nicanor Austriaco, lumalabas sa siyensya na ang pagpapatupad ng 10-day quarantine ay 99.7% na epektibo para mapigilang makapasok sa bansa ang COVID-19 variants.

Iginiit ni Austriaco na kailangang protektahan ang bansa mula sa Delta variant ng COVID-19 na kumakalat ngayon sa India.


Kapag nakapasok ang Delta variant sa bansa, magkakaroon muli ng surge at hindi maligayang maipagdiriwang ang Pasko ngayong taon.

Ang ibang bansa ay nagpapatupad ng mahigpit na arrival protocols tulad ng Thailand, United Kingdom, New Zealand, at Australia kung saan nire-require ang international travelers na sumailalim sa 14-day hotel quarantine.

Aabot naman sa 21-day hote quarantine ang ipinapatupad ng Hong Kong.

Facebook Comments