Mananatiling “required” pa rin sa mga umuuwing Pilipino na “fully vaccinated” na laban sa COVID-19 ang sumailalim sa 10-day facility-based quarantine.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa halip na Hunyo 16 ang effectivity date ng pinaluwag na testing at quarantine protocols, ipatutupad ito sa Hunyo 22.
Batay sa niluwagang testing at quarantine protocols, ang umuuwing Pilipino na “fully vaccinated” na ay kailangan na sumailalim na lamang sa 7-day facility-based quarantine sa kanyang pagdating at isasailalim sa COVID-19 test kapag nagpakita ng sintomas sa panahon ng quarantine.
Pero kapag nakumpleto nito ang pitong araw na quarantine at walang nakitang sintomas, iisyuhan ito ng Bureau of Quarantine (BOQ) ng certificate kung ano ang vaccination status nito.