10 delinquents na employers sa Pasay City, pinadadalhan ng notice na mag-avail ng condonation program ng SSS

Pinaalalahanan ng pamunuan ng Social Security System (SSS) ang sampung mga kompanya na bayaran ang kanilang kontribusyon makaraang padalhan ng notice upang i-avail ang condonation program ng ahensiya.

Ayon kay Ferdinanand Nicolas VP NCR North Division ng SSS, kabilang umaabot sa 215 na employers sa Pasay City ang kanilang hinahabol upang magbayad ng kanilang kontribusyon.

Paliwanag pa ni Nicolas na umaabot sa P31 million ang kabuuang utang na kanilang makokolekta kabilang ang P18 million na principal contribution at P13 million na penalties na dapat bayaran ng mga delikwenta na employers.


Kabilang sa mga sampung hindi nagbabayad ng kontribusyon dahil na rin sa apektado ng nakaraang pandemya dulot ng COVID-19 ay ang Urban Fonts Advertising Services, Nemoto Travel and Tour Corporation, Philippine Law School, Pasay Alliance Christian School, Luzviminda Employement Agency Inc., Insula West Properties Inc., Crosstrans Cargo Services Inc., Datamex Institue of Computer, ApostolicTravel and Tours at Agrasada Advertising Services.

Umapela si Nicolas sa mga employers na bayaran ang kanilang mga obligasyon dahil hanggang Mayo 19 nalang ang kanilang programa at magbabayad na sila ng malaking halaga kung babalewalain nila ang panawagan ng ahensiya.

Facebook Comments