Nakapagtala ang Department of Health Center for Health Development sa Ilocos Region (DOH-CHD-1) ng 10 firecracker-related incidents mula Disyembre 21 hanggang 27.
Sa isang panayam, sinabi ni DOH-CHD-1 medical officer Dr. Rheuel Bobis, sa kabuuan aniya, pito ang mula sa Pangasinan, dalawa mula sa La Union at isa mula sa Ilocos Sur.
Ayon kay Bobis, karamihan sa mga biktima ng mga ito, ay mga bata na may edad 6-10.
Dagdag pa niya, pito sa mga insidente ay sanhi ng boga at tatlo dito ay dahil sa kwiti kung saan ang ma ito ay nagkaroon ng blast o burn injuries habang ang iba ay may pinsala sa mata.
Samantala, sinabi ni Pangasinan Police Provincial Office director Col. Jeff Fanged na inatasan na niya ang mga chief of police ng 44 na bayan at lungsod ng lalawigan na paigtingin ang kanilang operasyon laban sa mga ipinagbabawal na paputok.
Sinabi pa ni Fanged na hiniling niya sa kanyang mga tauhan na magsagawa ng mga operasyon ng ala buy-bust kung saan magtatayo sila ng isang entrapment upang mahuli ang mga iligal na nagbebenta.
Hinikayat din niya ang publiko na makipagtulungan sa gobyerno at huwag tumangkilik sa mga ipinagbabawal na paputok. |ifmnews
Facebook Comments