10 flights sa Bicol International Airport, naapektuhan ng bomb joke kanina

Courtesy: CAAP

10 flights sa Bicol International Airport ang naapektuhan matapos ang bomb joke kanina sa isang eroplano ng Cebu Pacific na patungo sana ng Manila.

Kabilang sa mga naapektuhan ang mga papaalis at papalapag na eroplano ng CebuPac sa nasabing paliparan.

Bunga nito, pinababa ang lahat ng mga pasahero ng eroplano at isa-isang ininspeksyon ng Aviation Security Canine (K-9) Bomb Disposal units at PNP-Aviation Security Group ang bagahe at hand carry items.


Isa ring eroplano ng Philippine Airlines na patungo sana ng Bicol International Airport ang pinabalik ng Manila.

Habang ang eroplano na sinasabing may bomba ay pinarada muna sa Isolated Aircraft Parking Position sa nasabing airport.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments