10 Frontliner ng BARMM READI isinailalim Isolation !

Kasalukuyang nasa Isolation Center ng Sanitarium Hospital sa Sultan Kudarat, Maguindanao ang sampung Frontliners ng BARMM READI itoy matapos na makadirect contact ang apat ng LSIs mula Lanao Del Sur na nagpositibo sa Corona Virus Disease.
Sa panayam ng DXMY kay MILG Minister at BARMM Readi Head Atty. Naguib Sinarimbo, bagaman nasa maayos namang sitwasyon ang mga ito at mga asymptomatic mas minabuti ng mga Frontliners na maisiguro hindi lamang ang kanilang kaligtasan kundi maging ng kanilang katrabaho at pamilya.
Noong nakaraang linggo ng magpositibo ang apat ng umuwing LSIs na taga Lanao Del Sur. Sinasabing ang mga frontliners mula BARMM READI ang nag-assist sa mga ito.
Inaantay na lamang ngayon ng mga frontliners ang resulta ng ginawang test sa kanila dagdag pa nio Atty. Sinarimbo.

BARMM File Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments