10-ft python, natagpuang nakapulupot sa isang Christmas tree

(Image via Leanne Chapman)

BRISBANE, Queensland – Nagulat ang isang babae mula Australia nang makita ang isang malaking python habang nakapulupot sa Christmas tree sa kanilang bahay, Huwebes, Disyembre 12.

Ayon kay Leanne Chapman, kauuwi lang nila noon ng kanyang kinakasama nang mapansin ang kaguluhan sa kanilang balkonahe.

(Image via Leanne Chapman)

“We came home from work and there’s a couple of butcher birds that visit every day and they were just kicking off on the balcony, going crazy,” aniya.

Dito nagpasya ang kanyang kasintahan na kunan ng video ang mga ibon at laking gulat daw nito nang bumungad ang isang malaking ahas na tila nakabalot sa kanilang Christmas tree.

Hinayaan lang nila itong manatili ng ilang oras hanggang sa umalis ito kinagabihan kung saan nila napansin ang haba nito na aabot sa 10-foot.

“It was big — really big,” saad ni Chapman.

Dagdag niya, napakaganda raw ng itsura ng naturang hayop at masaya raw siyang makita ito ng malapitan.

“It was actually quite nice to see it that close up because I’ve never seen anything like it before,” kwento niya.

 

RELATED STORY:

PANOORIN: Lalaki, tumalon sa 50-ft na balon para iligtas ang na-trap na pytho

 

Facebook Comments