10 GRAMO NG HINIHINALANG SHABU NASAMSAM SA BAUANG, LA UNION

Isang buy-bust operation ang matagumpay na isinagawa ng Bauang Police Station sa pakikipag-ugnayan sa PDEA RO1.

Ayon sa imbestigasyon, isinagawa ang naturang operasyon laban sa isang 30-anyos na lalaki na residente ng Baguio City.

Nasamsam mula sa suspek ang 10 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na ₱68,000.00, nakalagay sa apat na pakete. Kabilang din sa mga narekober na non-drug evidence ang isang genuine ₱500 bill na ginamit bilang buy-bust money, apat na pirasong ₱1,000 boodle money, selpon at bag.

Ang inventory at pagmamarka ng mga ebidensiya ay isinagawa on-site sa presensya ng mga itinalagang mandatory witnesses at ng suspek, alinsunod sa itinakdang legal na proseso.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kaso habang nasa kanilang kustodiya ang mga nakumpiskang ebidensiya para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments