Inaasahang mapipirmahan ang 10 hanggang 14 ng bilateral government agreements at business agreements sa gagawing state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa China sa susunod na taon.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary for Asian and Pacific Affairs Nathaniel Imperial, ang isa sa mga prayoridad ng pangulo sa pagbisita sa China ay upang mas mapalakas ang economic cooperation sa China.
May mga interesado raw kasing mga Chinese investor na nais maglagak ng negosyo sa Pilipinas lalo sa agriculture, renewable energy at nickel processing at maging sa infrastructure, development cooperation, people-to-people ties at maritime security cooperation.
Bukod dito, ilan pa sa agreements na mapipirmahan ay ang import agreement ng durian maging ang posibleng investment sa Mindanao na kung saan maraming nakatanim na durian.
Ang pangulo ay magtatagal lang ng dalawang araw sa China o sa January 3 hanggang January 5.