10 heneral na pinagpipilian para papalit kay AFP Chief of Staff Gen. Felimon Santos Jr. na magreretiro sa susunod na buwan, naisumite

Inirekomenda na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Board of Generals ang sampung mga heneral ng AFP para ipalit kay AFP Chief of Staff General Felimon Santos Jr. na magreretiro na sa August 4, 2020.

Ayon kay AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo, ang sampung mga heneral ay ang major service commanders, unified command chiefs at iba pang 3-star generals.

Ang rekomendasyon ng AFP Board of Generals ay naisumite na sa Malacañang sa pamamagitan ng Department of National Defense (DND) nitong unang linggo ng buwan ng Hulyo.


Sa sampung heneral na ito pipili si Pangulong Rodrigo Duterte para ipalit kay AFP Chief of Staff Santos

Samantala, sinabi naman ni Arevalo na nakadepende sa Pangulo kung papalawigin o hindi na ang termino ni Santos lalo’t nasa public health emergency ang bansa kung saan kinakailangan ang pwersa ang militar para sa mga ipinatutupad na health protocols.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagbisita ni Santos sa mga tauhan sa field para mas pataasin pa ang morale habang ginagampanan ang kanilang mandato.

Facebook Comments