Mahigit isang linggo bago ang eleksyon 2019 umaabot na sa sampu ang bilang ng mga napatay na may kaugnayan sa nalalapit na midterm election.
Ito ay batay sa huling rekord ng Philippine National Police mula January 13 hanggang April 30 kung saan dalawamput dalawa ang naitalang election related incidents
Maliban sa mga napatay, nakapagtala ang PNP ng labing isang sugatan habang labing apat naman ang nakaligtas
Ayon kay PNP spokesman Col Bernard Banac, walang partikular na rehiyon ang nakapagtala ng maraming election related incidents.
Paliwanag nito ang mga nabanggit na insidente ng karahasan ay naitala sa ibat ibang panig ng bansa.
Facebook Comments