Aabot sa 10 investment deals sa pagitan ng Japanese at Filipino companies ang malalagdaan kasabay ng pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tokyo ngayong buwan.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez – nakatuon ang private business ventures sa Japan sa electronics, manufacturing, technology, energy, tourism at transportation sa Pilipinas.
Aniya, mayroong dalawang memoranda of understanding (MOU) at walong letters of intent ang inaasahang mapapagkasunduan.
Si Pangulong Rodrigo Duterte ay pupunta ng Japan para dumalo sa Future of Asia International Conference mula May 30 at 31.
Isinasapinal na rin ang pulong ng Pangulo kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe at Japanese business community.
Facebook Comments