10 kalye sa Parañaque City, naka-lockdown dahil sa mataas na kaso ng COVID-19

Sampung (10) kalye sa Parañaque City ang naka-lockdown ngayon matapos irekomenda ng Parañaque City Health Office dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

Tatlong araw na mahigpit na babantayan ng mga otoridad ang naturang mga kalsada.

May hiwalay na rin na isolation facilities para sa mga natukoy na positibo sa COVID-19.


Habang naka-lockdown naman ang 10 kalye, ay magsasagawa ng swab testing sa mga residente.

Nagsasagawa na rin ng contact tracing ang Parañaque City Health Office sa mga nakasalamuha ng mga nag-positibo sa COVID-19

Ang Barangay Baclaran Elementary School ay kabilang sa mga ginawang isolation facilities sa mga nakitaan ng sintomas ng COVID-19 na binabantayan ng 24-oras ng mga pulis, barangay officials at health workers.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, sasagutin ng lokal na pamahalaan ang gastusin ng bawat pamilya o 4,000 mga residente sa loob ng tatlong araw na lockdown.

Pakiusap ng Parañaque Local Government Unit (LGU) sa mga residente, sumunod lamang ang mga residente sa mga health protocol na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Facebook Comments