Cauayan City, Isabela- Sinuspinde ng Office of the Ombudsman ang 10 kapitan ng barangay sa iba’t ibang lugar sa Cagayan Valley region dahil umano sa anomalya ng naipamahaging ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.
Batay sa ipinalabas na ulat, kinabibilangan ito ng mga Barangay Yeban Sur, Benito Soliven; Barangay Callangigan, Quezon; Barangay Balug, Tumauini; Barangay Oscariz, Ramon; Barangay Calinaoan Malasin, Sto. Tomas sa Isabela; Barangay Baybayog, Alcala; Barangay Tallungan, Aparri; Barangay Centro 12 Tuguegarao City sa Cagayan; Barangay Abaca, Dupax Del Sur; Barangay San Geronimo, Bagabag sa Nueva Vizcaya.
Pinatawan ng Serious Dishonesty, Grave Misconduct, Abuse of Authority and Conduct Prejudicial ang mga 10 kapitan na kabilang sa 89 sa buong bansa habang pinatawan din sila ng anim (6) na buwang preventive suspension alinsunod sa Republic Act no. 6770.