10 Katao, Huli sa Pagsusugal ng Tong-its at Mahjong

Cauayan City, Isabela- Arestado ang 10 katao matapos mahuli sa aktong pagsusugal sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Probinsya ng Cagayan.

Kinilala ang mga suspek na sina Jaime Pascua, 61 anyos; Aurelio Gutierres, 20 anyos, tricycle drivers at Cheryl Pagalilauan, 47 anyos at kapwa mga residente ng Brgy. San Antonio, Aparri, Cagayan.

Nahuli ang mga suspek dahil sa iligal na pagtotong-its matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen.


Habang naaresto din sina Abraham Villanueva, 57 anyos, tricycle driver; Lamberto Malazzab, 66 anyos at Leonardo Oñate, 65 anyos, magsasaka at pawang mga residente ng Brgy. Gaddang sa Bayan ng Aparri.

Samantala, nahuli din ang apat na iba pa na kinilalang sina Armando Batarina, 44 anyos, magsasaka; Richard Pascua, 42 anyos, magsasaka; Alfredo Andres, 60 anyos,laborer at Eliseo Batarina, 67 anyos at kapwa mga residente ng Brgy. Alanay, Lasam, Cagayan.

Nahuli ang 4 na katao matapos maaktuhan na naglalaro ng majhong.

Kinumpiska sa mga suspek ang bet money at mga gamit sa iligal na pagsusugal.

Sinampahan na nang kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling ang mga suspek.

Facebook Comments