10 Katao kabilang ang 2 months old Baby, Naitalang Patay sa Nueva Vizcaya

Cauayan City, Isabela- Umabot na sa 10 katao ang nasawi sa pananalasa ng Bagyong Ulysses sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Ayon sa mga rumespondeng otoridad, natagpuan ang bangkay ng tatlo (3) mula sa pagguho ng lupa sa Sitio Bit-ang, Runruno, Quezon sa Nueva Vizcaya.

Kabilang ang tatlo sa 10 katao na kinilalang sina Cresencia Nah-oy, residente ng Asaklat, Nagtipunan, Quirino; Dexter Kurt Nah-oy, dalawang (2) buwan na sanggol at Ben Junior Bulayo, residente ng Tukod, Cabarroguis, Quirino.


Maliban dito, narekober din ang dalawang iba pang bangkay na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan makaraang magsagawa ng search and retrieval operation ang pwersa ng mga otoridad sa nasabing lugar.

Narito ang listahan ng nasawi sa landslide:
Julie Ann Tanesa, Ben Junior Bulayo, Dexter Kurt Nah-oy, 4. Cresencia Nah-oy, Francisco Taguiling Napadawan- 6. Jomar Cumihang Ohdon, Noel Tayaban Buyaco, Mark Conie Mangandat Binwag, Unidentified cadaver nr 1, Unidentified cadaver nr 2.

Samantala, ang dalawang nasagip na indibidwal ay nakilalang sina Jaymar Tanesa at Lili Tanesa kung saan agad silang dinala sa pagamutan para sa kaukulang lunas.

Sa ngayon ay nananatili ang koordinasyon ng mga militar na tumutulong sa apektado ng pagbaha sa lalawigan.

Umabot naman sa 16 ang naitalang casualty sa buong lambak ng Cagayan.

Facebook Comments