10 katao nagpanggap na LTO ENFORCERS, Arestado ng UPI MPS

Himas rehas ngayon sa lock up cell ng Upi Municipal Police Station sa Maguindanao ang sampung indibidwal na di umanoy nagpanggap na mga LTO Enforcers.

Sa naging panayam kay UPI MPS Chief Inspector, pasado ala una kahapon ng makipag ugnayan pa sa kanilang tanggpan ang mga nagpakilalang LTO Enforcers mula LTO Region 16 o ARMM, ngunit ng hanapan ng mga papeles para makapag operate at ilan pang dokumento, walang naipakita ang mga ito.

Agad ring nakipag ugnayan sa DOTC ARMM si CINS Tabora at dun na nagkabulagaan na wala pa palang direktiba ang DOTC ARMMna magsagawa ng field operation sa kanilang mga enforcers.


Kabilang sa mga naaresto ay sina Datu Razib B. Tapanding, 25y/o ng Datu Piang. Maguindanao, Arthur L. Lumogdang, 42y/o Ranzo, Carmen North Cotabato, Candao A. Bantas, 26y/o Midsayap,North Cotabato , Charles Pacete, 36y/o Mlang North Cotabato, Peranio Pacete, 41y/o North Cotabato, Jefrrey Pacete,36y/o, Magpet, North Cotabato, Ronald S. Bernal,44y/o Mlang, North Cotabato., Danilo P. Saliling, 44y/o Pob. Carmen,North Cotabato, Angelito C. Noble,39y/o,Mlang North Cotabato, at Jean D.Pacete,38y/o ng Mlang North Cotabato.
Inihahanda na ang kaukulang mga kaso sa mga nahuli.

Facebook Comments