10 katao, patay sa vehicular accident sa Zambales

342

Manila, Philippines – Patay ang sampung katao habang lima ang sugatan matapos magsalpukan ang isang multi cab at isang close van sa Barangay Carael, Botolan, Zambales.

 

Kinilala ang sampung nasawing biktima na sina Romulo Mantes y Rivera; May Villanueva y Isidoro; Josephine Dorde y Villanueva; Marites Dela Cruz y Tabunday; Evangeline capistrano; Linda Ruanto; Kenneth Ivan Capistrano; Rosie Candule; Daniela Dorde; at Alyas "Tokaybo" Dela Cruz mga taga-Amungan, Iba, Zambales.

 

Habang patuloy na ginagamot ang lima pa na sina Francis Matthew Parilla; Arvin Villanueva; Jefferson Villanueva; Dario Torres; at Marilyn Abella.

 

Ayon kay Sr. Supt. Christopher Mateo, ang provincial director ng PNP Zambales, alas 2:45 ng hapon kanina ng mangyari ang aksidente.

 

Aniya, ang dalawang sasakyan ay magkasalungat ang direksyon.

 

Patungo aniya Sa olongapo ang close van na may plate no XMD 943 nang pagsapit sa BARANGAY CARAEL ay bigla na lamang na flat ang gulong ng close van at nawalan ng kontrol ang drayber sa manibela dahilan para sumalpok ito sa kasalubong na multi cab.

 

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng PNP sa aksidente.



Facebook Comments