Cauayan City, Isabela- Natimbog sa Illegal gambling ang sampung (10) katao sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Lalawigan ng Cagayan.
Unang naaresto ng mga elemento ng PNP Solana ang apat (4) na kalalakihan na naaktuhang nagsasabong sa Brgy. Cattaran, Solana, Cagayan na kinilalang sina Rolando Caronan, 29 anyo, Juaquin Bacud, 35 anyos, parehong kutsero, Policarpio Macarubbo, 22 anyos at Bryan John Buquel, 30 anyos, kapwa laborer at pawang mga residente ng barangay Cattaran sa naturang bayan.
Nakumpiska sa pag-iingat ng mga suspek ang dalawang (2) panabong na manok, isang (1) set ng ‘Tari’ at pera na nagkakahalaga ng Php8,390.00.
Samantala, anim (6) na indibidwal naman na kinabibilangan ng apat (4) na senior citizen ang nahuli sa paglalaro ng ‘Tong-its’ sa Brgy Bauan West, Solana, Cagayan.
Kinilala ang mga naaresto na sina Sabina Callueng y Mabborang, 66 anyos, Antonia Narag, 57 anyos, Remedios Paguila, 54 anyos, Carmelita Labang, 73 anyos, Jessy Patulay, 64 anyos, at Leona Labang, 75 anyos na pawang mga residente ng brgy Bauan West.
Nakumpiska naman sa mga ito ang dalawang (2) set ng baraha at pera na Php258.00.
Ang sampung mga suspek kasama ang mga nakumpiska ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa gagawing dokumentasyon at disposisyon.
Tgas: 98.5 ifm cauayan, ifm cauayan, cauayan city, isabela, cagayan, illegal gambling