10 Katao sa Isabela, Nagpositibo sa COVID-19

21
3D illustration

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng sampung (10) panibagong kaso ng COVID-19 ang Lalawigan ng Isabela.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) Region 2, mula sa 10 na new COVID-19 cases sa Isabela, anim (6) ang naitala sa Lungsod ng Cauayan, tatlo (3) sa Santiago City at isa (1) sa bayan ng San Isidro.


Kaugnay nito, nakapagtala naman ang Lalawigan ng walong (8) panibagong bilang ng mga gumaling sa COVID-19.

Sa kasalukuyan, nasa 259 pa ang COVID-19 active cases ng Isabela.

Facebook Comments