10 Kilometer segment ng CALAX, binuksan na sa mga motorista

Binuksan na ang unang 10 Kilometro ng Cavite-Laguna Expressway o CALAX.

Ayon kay Dept. of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Mark Villar, paraan nila ito para makatulong sa mga biyaherong magtutungo sa Tagaytay, Batangas, at Metro Manila.

Sinabi naman ni Metro Pacific Tollway Company President Rod Franco, may itinakdang schedule para sa pagbubukas ng lane nito.


Simula ngayong araw hanggang November 2 ay bubuksan sa motorista ito mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi.

Pagdating ng november 3 – mula Linggo hanggang Huwebes ay pwedeng dumaan sa CALAX mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi

Alas-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi tuwing Biyernes at Sabado.

Sa ngayon wala pang bayad sa toll.

Ang 45-kilometer CALAX ay may apat na lanes na magkokonekta sa Cavitex sa Kawit patungong South Luzon Express way sa Biñan, Laguna.

Umaasa ang DPWH na matatapos ang proyekto sa 2022.

Facebook Comments