10 LGU, kinilala sa mga inisyatibo para labanan ang kagutuman

Sampung local government units (LGUs) ang pinarangalan dahil sa mga inisyatibo at hakbang para sa food security.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagbibigay ng Walang Gutom Awards na mula sa kolaborasyon ng Department of Social Welfare and Development at ng Galing Pook Foundation.

Layon nitong kilalain at gayahin ng iba pa ang best practices ng mga LGU pagdating sa pagtugon sa food security at hamon sa nutrisyon upang tuluyang masugpo ang problema sa involuntary hunger pagsapit ng 2027.


Ang mga nanalo ay ang Barangay Commonwealth, Quezon City; Barangay Naggasican, Santiago City para sa barangay level.

Asuncion, Davao Del Norte; Palompon, Leyte; at Bacnotan, La Union para sa municipality level.

Kidapawan City, Cotabato, Bago City at Cadiz City sa Negros Occidental at Mati City, Davao Oriental.

Nakuha naman ng Biliran ang award sa Provincial level.

Nasa tig-dalawang milyong piso ang iginawad sa bawat nanalong LGU sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD habang tig-isang milyong piso sa pito pang finalists.

Naging batayan sa pagpili ng mga nanalo ang impact sa food security and nutrition, community participation creativity, resilience, sustainability at pagiging episyente ng mga serbisyo.

Facebook Comments