10-M COVID-19 vaccine galing China, darating sa bansa ngayong buwan

Kinumpirma ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na asahan na ang pagdating ng halos 10 million COVID-19 vaccines mula China ngayong buwan.

Ito ang sinabi ni Huang kasabay ng pagdating ng 1 milyong Sinopharm vaccine na donasyon ng China sa Pilipinas kagabi.

Ayon kay Huang, nakikisimpatya sila sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas dulot ng Delta variant.


Kaya umaasa aniya sila na makakatulong ito sa limitadong supply ng bakuna ng Pilipinas.

Sinabi naman ni Huang na umabot na sa halos 30 million COVID-19 vaccine ang natanggap ng Pilipinas mula China simula noong Pebrero.

Facebook Comments