10-M halaga ng Isolation Facility, Itatayo ng LGU Solano

Cauayan City, Isabela- Inaasahang maitatayo ang halagang P10-M COVID-19 Isolation Facility sa Solano, Nueva Vizcaya.

Ayon kay Mayor Eufemia Dacayo, malaki ang pasasalamat ng LGU kay Nueva Vizcaya Lone District Rep. Luisa ‘Banti’ Cuaresma sa pagtugon sa hiling na tulong pinansyal para sa proyekto na higit na makikinabang ang mga residente.

Itatayo ang nasabing pasilidad malapit sa Solano Integrated Agri-Tourism Center (SIATC) para matugunan ang mga COVID-19 patients sa bayan.


Prayoridad umano ng LGU Solano ang paglalagay ng pasilidad na bahagi ng mandato ng DOH simula pa noong nagsimula ang pandemya.

Pangungunahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon sa pasilidad.

Facebook Comments