Narekober ng pinagsanib na pwersa ng 74th Infantry Battalion ng Philippine Army at pulisya ang 300 kahon ng mga smuggled na sigarilyo sa Barangay Campo Islam, Zamboanga City.
Ayon kay Joint Task Force Zamboanga Commander Colonel Antonio John Divinagracia, ang nakuha nilang mga smuggled cigarettes ay aabot sa halagang ₱10,125,000.
Aniya, matapos ang operasyon dinala na sa Police Station 8 na makikita sa Barangay Sinunuc ang mga nakumpiskang sigarilyo para sa documentation bago i-turn over sa Bureau of Customs (BOC).
Sinabi naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command Commander Lieutenant General Cirilito Sobejana na magsilbi sanang babala sa ibang pang mga gumagawa ng illegal activities partikular smuggling na hindi sila titigil hangga’t hindi nahuhuli ang mga responsable.