10-M Pilipino, fully vaccinated na kontra COVID-19!

Umabot na sa sampung milyong Pilipino ang fully vaccinated o nakakumpleto na ng 2nd dose ng COVID-19 vaccine sa bansa.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa pagdalo sa event na idinaos ng Mandaluyong Local Government Unit.

Ayon kay Roque, puspusan ang ginagawa ngayon ng pamahalaan para tumaas ang bilang ng mga nababakunahan kung saan sasamantalahin nila ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) para bilisan ang pagbabakuna.


Tiwala si Roque na makakamit ang 50 percent fully vaccinated population sa Metro Manila matapos ang ECQ sa August 20, 2021.

Facebook Comments