10 maswerteng tagapakinig ng Radyo Trabaho sa Pateros, pinasaya ng “RMN Radyo Saya”

28

Walang mapagsidlan ng tuwa ang 10 maswerteng masugid na tagapakinig ng DZXL 558 Radyo Trabaho na taga-Barangay Magtanggol, Pateros.

Ito’y matapos suyurin ng DZXL 558 Radyo Trabaho Team ang naturang lugar mula umaga hanggang tanghali ngayong araw.

Lahat silang 10 ay nakatanggap ng P500, limang kilong bigas, vitamin C, isang box ng face mask, alcohol at food packs.

Maliban dito, nakatanggap din sila ng DZXL 558 face mask, T-shirt at Unique toothpaste.

Ang bayan ng Pateros ay mayroong 2,000 populasyon at nag-iisang municipality ng Metro Manila.

Ito ang kauna-unahang RMN Radyo Saya sa DZXL 558 Radyo Trabaho pero kada taon itong isinasagawa ng lahat ng stations ng RMN Network sa buong bansa para magbigay ng maagang handog at saya sa mga masugid na tagapakinig kung saan katuwang ang ACS Manufacturing Corporation.

Facebook Comments