10 medalya nasungkit ng mga pambato ng Pilipinas sa Jiu-Jitsu

Kabuuang 4 na ginto, 3 silver at 3 bronze na medalya ang naiuwi ng team Philippines sa ginanap na Ju-Jitsu Open Grand Prix 2019.

Walong babae at dalawang lalake ang lumaro para sa ating pambansang koponan sa pamumuno nina head coach Hansel Co and coach Ali Sulit.

Ang mga nagkamit ng gintong medalya ay sina:


Jan Vincent Cortez,

Samantha Dela Costa,

Kimberly Anne Custodio,

Dylan Valmores

Habang silver naman ang nakuha nina:

Danica Palanca,

Estee Liwanen,

Natasha Rodriguez

At sa bronze naman ay sina:

Peter Lawrence Meimban

Sarah Antonio-Tagle

Geli Bulaong

Ang mga nasabing atleta na sumabak sa nasabing international tournament na ginanap sa Rangsit University sa Thailand ay sinuportahan din ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC).

Facebook Comments