10 medicinal plants sa Pilipinas, nakitang epektibong panlunas laban sa severe cases ng COVID-19

Aabot sa sampung medicinal plants na nagtataglay ng phytochemicals ang natukoy ng ilang medical experts at chemist sa Pilipinas na epektibong lunas laban sa severe cases ng COVID-19.

Sa pag-aaral na ginawa nina; Dr. Nina Gloriani, head ng DOST Vaccine Expert Panel katuwang sina Dr. Fabian Dayrit ng Ateneo de Manila University (AdMU); Armando Guidote Jr. ng Philippine Institute of Pure and Applied Chemistry (PIPAC) maging ang Philippine Journal Science, lumabas na galing ang mga gamot sa 100 best-studied medicinal plants na may antiviral at immune-modulatory properties.

Kinabibilangan ito ng;


bawang
sinta o green chiretta
niyog
tawa-tawa
sorosoro o karimbuaya
malunggay
balanoy o basil
paminta
lagundi
luya

Taglay ng mga ito ang mataas na botanical, pharmacological, at phytochemical publications at mayroon ding patunay na mabisa laban sa anumang sakit.

Karamihan din sa mga panlunas ay nakitaan ng benepisyo para sa mga taong may comorbidities upang hindi mahawa sa COVID-19 na hindi nakikita sa anumang gamot.

Layon ng pag-aaral ay hindi para suriin ang medicinal plants, kundi magamit sa clinical studies na magdidiskubre ng karagdagang lunas sa COVID-19.

Facebook Comments