Makakatanggap ang Pilipinas ng 10 milyong doses ng Sputnik V vaccines mula sa Gamaleya Research Institute ng Russa.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., nagpapasalamat sila sa Russian Direct Investment Fund (RDIF) at kay Russian Ambassador Marat Pavlov para sa delivery ng initial batch ng Sputnik V vaccines.
Nasa dalawang milyong doses ng Russian vaccine ang darating ngayong buwan na susundan ng dalawa hanggang anim na milyon sa mga susunod na buwan.
Ang kontrata sa Gamaleya ay expandable para sa hanggang 20 milyong doses ng Sputnik V vaccines.
Ang Department of Health (DOH) ay magsasagawa ng simulation exercises sa Makati, Taguig, Muntinlupa, Manila at Parañaque para ayusin ang logistics requirements.
Facebook Comments