10 milyong COVID-19 test, maaabot ng Pilipinas sa 1st Quater ng 2021

Tiwala si National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon na maaabot ng Pilipinas ang 10 milyong COVID-19 test sa buong bansa sa unang kwarter ng taon.

Ayon kay Dizon, aabot na sa 9.4 million test para sa Coronavirus ang naisagawa sa buong bansa mula nitong March 17.

Makakamit ng gobyerno ang target dahil napahusay na ang testing capacity ng bansa, mula sa 3,000 test noong Abril 2020 ay nasa 50,294 test na ang nagagawa nito ngayong buwan.


Bukod dito, nasa 229 na laboratoryo na rin ang nakakapagkolekta ng samples sa buong bansa.

Nangako si Dizon na paiigtingin pa ang COVID-19 test at gagamit ng mga bagong teknolohiya tulad ng COVID-19 saliva testing na alok ng Philippine Red Cross (PRC).

Facebook Comments