10 milyong mahihirap na Pinoy, balak bigyan ng buwanang sabsidiya ng pamahalaan

Manila, Philippines – Balak ng gobyerno na bigyan ng monthly subsidy ang nasa sampung milyong mahihirap na pamilyang Pilipino.

Ito ay oras na maisabatas na ang isinusulong na Tax Reform for Acceleration and Inclusion o Train Bill.

Sabi ni Finance Usec. Karl Kendrick Chua – P200 na monthly subsidy ang matatanggap ng bawat pamilyang mapipili ng gobyerno.


Pero ayon kay DSWD Usec. Emmanuel Pleyco, masyadong maliit ang P200 para sa planong programa ng DOF.

Pag-aaralan naman ni Senate Ways and Means Committee Chairman Sonny Angara ang alok ni Finance Sec. Carlos Dominguez na ibasura ang buwis sa sugar sweetened beverages basta’t ipapasa ng senado ang buwis sa produktong petrolyo.

Dalawang pagdinig na lang at gagawa na ng rekomendasyon ang committee hinggil sa Train Bill.

Facebook Comments