10-milyong pisong halaga ng shabu, nasabat sa buy-bust operation sa Batangas Port

Manila, Philippines – Nasa sampung milyong pisong halagang shabu ang nasabat ng otoridad sa Batangas Port kasunod ng isinagawangbuy-bust operation sa Parañaque City kaninang umaga.
Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa – natunugan ng drugpusher na pulis ang kanyang katrasaksyon kaya tumakas ito papuntang SLEX hanggangumabot ang habulan sa Batangas.
Bagama’t natagpuan ang sasakyan sa parking area ng Batangasport, nakatakas naman ang suspek na nakilala lang sa pangalang “RJ”.
Hinala ng PNP Chief, posibleng sumakay ng barko angsuspek patungong Mindoro o saan mang lugar sa MIMAROPA area.
Kaugnay nito, nakipag-ugnayan na ang Parañaque police sa BatangasProvincial Police Office at PNP Maritime Group para sa ikadarakip ng suspek.
Nagtungo na rin sila sa LTO para matukoy kung sino angmay-ari ng sasakyang ginamit nito.

Facebook Comments