Umabot na sa 10 milyong senior citizens ang nakapagrehistro sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
As of June 2021, kinabibilangan ito ng 9.7 milyong matatanda at kwalipikadong dependents na aabot sa 3.3 milyon.
Batay pa sa datos ng state insurer, mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon ay nakapagbayad na sila ng kabuuang P9.408 billion benepisyo sa 988,000 senior citizens sa buong bansa.
Ilan sa mga pangunahing kondisyong medikal ng mga matatanda ay community-acquired pneumonia, hypertension, cerebral infarction o stroke, urinary tract infection at congestive heart failure.
Kasabay nito, muling ipinaalala ni PhilHealth president at chief executive officer Dante Gierran sa mga Pilipinong edad 60 pataas na “mandatorily covered” sila sa ilalim National Health Insurance Program pursuant to Republic Act 10645 at ng muling ipinagtibay na Republic Act 11223 o ang Universal Health Care Law of 2019.