10 miyembro ng Southeast Asia Collective Defense Treaty, inaresto sa gate 6 ng Camp Aguinaldo dahil sa COMELEC gun ban

Manila, Philippines – Inaresto ng military police sa gate 6 ng Camp Aguinaldo ang sampung miyembro ng Southeast Asia Collective Defense Treaty matapos makitang may bitbit na armas ang mga ito na walang Gun ban exception mula sa Commission on Election o COMELEC kaninang umaga.

Kinilala ang mga naarestong miyembro Southeast Asia Collective Defense Treaty na sina Daniel Pagalan, ang pinuno ng grupo at mga miyero nito sina Alvin Simbahon, Rolando Mahusay, Kumander Melody, Dioscoro Danis, James Iwayan, Butch B. Galimba, Rico Giducos, Ramil B. Peralta, Rundy Paderes at Pascula Dizon alyas Kumander Haslim.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo, alas-5:45 ng umaga kanina nang makita ng military police ang grupo na nakasuot ng t-shirt na pare-pareho ang kulay.


Agad na naghinala ang mga guard sa gate 6 at nang kanilang kausapin ang grupo inamin nilang may dala silang armas at nagpakilalang kabilang sa Southeast Asia Collective Defense Treaty sa pamamagitan ng kanilang identification card.

Patungo raw sila sa tanggapan ni DND Secretary Delfin Lorenzana pero napag-alaman ng mga sundalong bantay sa gate 6 na walang silang prior appointment sa tanggapan ng kalihim.

Dahil dito kinumpiska ng mga sundalo ang kanilang mga armas.

Nakuha sa mga ito ang limang baril, dalawa ditto ay homemade cal .45 at tatlong Cal 9mm; pitong magazines ng 47 cal. 9mm; at isang 26 cal .45 live ammunition.

Sa ngayon nai-turn over na ang grupo sa Police Station 8 para sa paghahain ng kaukulang kaso.

Facebook Comments