10% NA BAWAS KONSUMO NG KURYENTE AT PRODUKTONG PETROLYO, IPINATUTUPAD SA MGA LGUS

Ipinatutupad ang Government Energy Management Program na naglalayong mabawasan ang buwanang konsumo ng kuryente at produktong petrolyo sa naganap na pagpupulong ng The Philippine National Oil Company Renewable Corporation sa ilalim ng Department of Energy at ang lokal na pamahalaan ng Manaoag.
Binigyang diin sa pulong ang kahusayan sa pagtitipid sa kagamitang may paggamit ng kuryente, maging ang mga minamanehong sasakyan sa nakokonsumong gasolina nito at ipinatutupad ito sa lahat ng tanggapan ng mga lokal na gobyerno.
Nasa 10 percent o sampung porsyento naman ang inaasahan ng GEMP na mababawas sa konsumo ng kuryente at mga produktong petrolyo ng mga lokal na pamahalaan.

Alinsunod dito ay kasalukuyang ipinapatupad sa LGU Manaoag ang 4 o’clock habit kung saan pinapatay o pinapasara sa mga air conditioner sa mga opisina ng lokal na pamahalaan na naglalayong makatipid ng kuryente. |ifmnews
Facebook Comments